PCG, magsasagawa ng limang araw na imbestigasyon sa banggan ng Philippine vessel at Chinese vessel sa West Philippine Sea

Nagbigay ng limang araw na panahon ang Philippine Coast Guard (PCG) para tapusin ang maritime investigation kaugnay ng pagbangga ng China Coast Guard (CCG) vessel sa mga barko ng Pilipinas na nagsagawa ng resupply mission sa ayungin shoal kahapon.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Admiral Ronnie Gavan na inutos nya na sa PCG Palawan district sa pangunguna ni Commodore Dennis Labay na simulan ngayong araw ang imbestigasyon batay na rin sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kapag natapos na aniya ang imbestigasyon, sinabi ng opisyal na isusumite nila ito sa Department of Transportation (DOTr) na siya namang magsusumite kay Pangulong Marcos para sa karampatang aksyon sa isyu.


Target ng PCG na tapusin ang imbestigayson at maisumite ang resulta ng imbestigasyon sa Oct 27.

Nanatili naman aniyang mataas ang morale ng PCG sa kabila ng mga pananakot ng China.

Sa katunayan mas lalo silang nagiging masigasig sa pagbabantay sa mga teritoryo ng bansa.

Facebook Comments