PCG, magsasagawa ng rescue at relief operations sa mga nilindol sa Mindanao

Nakahanda na ang Philippine Coast Guard o PCG sa rescue at relief operations para sa mga sinalanta ng lindol sa Mindanao.

Ayon kay Coast Guard Spokesman Captain Armand Balilo, ina-ayos na nila ang deployment sa mga lugar na nangangailangan ng rescue operations.

Naka-standby na rin aniya ang ilang barko at assets ng PCG para sa pagbiyahe at pamamahagi ng relief goods.


Samantala, kinumpirma ni Balilo na walang pinsala sa mga pantalan at terminal sa mga lugar na niyanig ng lindol sa Mindanao.

Aniya, nanatiling normal ang maritime activities sa mga karagatan doon sa kabila ng lindol at nagpapatuloy na aftershocks.

Gayunman, sinabi ni Balilo na naka-alerto pa rin ang kanilang mga tauhan doon bagama’t sinabi ng PHIVOLCS na walang tsunami alert dahil sa lindol.

Facebook Comments