Manila, Philippines – Ikinasa na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang Oplan Biyaheng Undas 2017 na tinawag nilang Oplan Biyaheng Ayos #Undas2017 upang magmonitor ng mga pasahero na magtutungo sa mga pantalan sa buong bansa.
Ayon kay PCG Spokesman Armand Balilo, unti-unting nagsisipagdagsaan sa mga pantalan ang mga pasahero bilang paghahanda na rin sa nalalapit na Undas.
Paliwanag ni Balilo, mahalaga na mamonitor nila ang dami ng mga pasahero upang makagawa agad ng paraan kung kakayanin ng mga barko ang dami ng taong dadagsa sa mga pantalan.
Base sa kanilang monitoring, umaabot na sa 5,725 na mga pasahero ang dumaong sa mga pier sa Central Visayas na umaabot sa 2,320 na mga pasahero habang sa Palawan ay 368 passengers, sa Bicol Region naman ay umaabot sa 2,226 na pasahero ang dumarating sa pantalan at sa Eastern Visayas ay umakyat na 811 na mga pasahero.
Tiniyak naman ni Balilo na sapat ang kanilang mga tauhan upang bantayan ang mga kababayan natin na magsisiuwian sa ibat ibang probinsiya upang gunitain ang Undas.