Naka-alerto ang Philippine Coast Guard (PCG) partikular ang kanilang Deployable Response Groups (DRGs) sa mga lugar na apektado ng Bagyong Vicky.
Nakahanda rin ang PCG para sa evacuation at relief operations lalo na’t may mga lugar na sa Visayas at Mindanao ang nakakaranas ng pagbaha.
Nakikipag-ugnayan na rin ang PCG sa Local Government Units (LGUs) at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Offices (MDRRMOs) sa mga lugar na apektado ng bagyo.
Mahigpit din ang pagbabantay ng PCG sa mga karagatan sa Visayas at Mindanao para matiyak na walang sasakyang pandagat ang maglalayag sa kasagsagan ng masamang panahon.
Mahigpit din ang paalala sa mga mangingisda na huwag magtatangkang magpalaot.
Facebook Comments