PCG: Mga water cannon, gamitin sa pagligtas ng buhay hindi sa pag-atake sa kapwa Coast Guard

Muling iginiit ni Philippine Coast Guard (PCG) Admiral Ronnie Gil Gavan na ang mga water cannons na nasa mga maritime vessel ay ginagamit lamang bilang pagligtas ng buhay.

Ito ang naging pahayag ni Gavan sa pagdalo sa pagdalo sa isang maritime dialogue sa Singapore.

Aniya, hindi dapat ginagamit ang mga water cannon sa pag-atake sa kapwa Coast Guard kung saan dapat ay magkaroon ng respeto sa bawat isa.


Sinabi pa ni Gavan na dapat itong matigil na upang maiwasan ang anumang gulo at hindi pagkakaunawaan.

Bagama’t nandoon din sa nasabing dialogue ang ilang opisyal ng China Coast Guard, hindi naman ito pinangalanan ng opisyal kahit pa nabanggit nito na ang ilang barko ng PCG ang nakakaranas nito.

Inihayag pa ni Gavan na mananatiling professional, mahinahon at may respeto ang mga tauhan ng PCG kahit pa nararanasan ito upang hindi sumiklab ang gulo sa karagatan kung saan naniniwala siya na madadaanan naman sa pag-uusap ang hindi pagkakaunawaan.

Facebook Comments