PCG, minomonitor ang mga pasahero na istranded dahil sa bagyong Salome

Manila, Philippines – Mahigpit ang ginagawang monitoring ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard kaugany sa mga pasaherong na-istranded sa mga pantalan sa Southern Tagalog, Bicol Region at Eastern Visayas.

Base sa monitoring ng PCG simula kagabi sa Souther Tagalog ay umaabot na sa 1,572 mga pasahero ang naistranded at 324 rolling cargoes habang 26 naman vessels at 21 rin motorbanca ang naistranded sa lugar.

Sa Bicol Region naman umaabot sa 1,144 na pasahero ang naantala sa kanilang biyahe, 254 rolling cargoes, 25 vessels at 8 na motorbanca ang naistranded sa lugar habang sa Eastern Visayas 1737 pasahero 213 rolling cargoes at 5 na vessel ang patuloy na na-istranded.


Ayon kay PCG Spokesman Armand Balilo umakyat sa kabuuang 4,453; na pasahero 791 na Rolling Cargoes 56 Vessels at 25 Motor bancas na ang naistranded sa naturang mga pantalan.

Pinayuhan ni Balilo ang lahat ng Units ng PCG na tiyaking mahigpit ang pagpapatupad ng HPCG Memorandum Circular Number 02-13 o panuntunan ng paglalayag sa mga sasakyang pandagat kapag masama ang panahon.

Facebook Comments