PCG muling nag-inspeksiyon sa Manila Bay at Pasig River

Sinimulan ng inspeksiyunin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang paligid ng Manila Bay at ng Pasig River bilang bahagi ng puspusang paghahanda sa Traslacion 2019 bukas.

Ayon kay PCG NCR acting Commander Rolando Punzalan, alas-8 hanggang alas 10 ng umaga kanina isinagawa ang paglilibot at pagsusuri upang matiyak ang security preparations sa mga nasabing lugar.

Bukod sa 360 personnel mula sa iba’t-ibang operations unit kasama rito ang K9 teams, Special Operations Force Divers and Strike Teams, Coast Guard Medical Teams at 44 na meter vessel, dalawang 24-meter vessel, limang small craft, apat na aluminum boats, 11 rubber boats at walong rigid-hull inflatable boats.


Paliwanag ni Punzalan na ang pag-i-inspeksiyon ng PCG ay isinasagawa kasama ang PNP Maritime Group, Metro Manila Development Authority (MMDA).

Ang pagbabantay ng PCG ay tuluy-tuloy hanggang bukas at hanggang sa matapos ang Traslacion 2019 sa Huwebes ng madaling-araw.

Facebook Comments