Monday, March 23, 2026

PCG muling naghatid ng mga pagkain sa mga mangingisda sa Bajo de Masinloc

Naghatid ng mga pagkain ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga lokal na mangingisda sa karagatan ng Bajo de Masinloc.

Lulan ng BRP Cabra ang mga family food pack na ipinamahagi sa mga mangingisda.

Ayon sa PCG, bahagi ito ng Intensified Community Assistance Awareness Rescue and Enforcement (iCARE) Program ng pamahalaan.

Layon daw ng inisyatibo na palakasin pa ang ugnayan ng Coast Guard at ng local fishing communities.

Noong nakaraang linggo nang matagumpay na masagip ng PCG ang isang mangingisda na ilang araw napaulat na nawawala sa Bajo de Masinloc.

Facebook Comments