PCG, na-monitor ang oil sheen malapit sa pinaglubugan ng MT Terra Nova

Gumamit muli ng water cannon ang Philippine Coast Guard (PCG) upang matanggal ang oil sheen o bakas ng langis na nakita malapit sa pinaglubugan ng MT Terra Nova.

Ito ay para malusaw ang oil sheen sa gitna ng patuloy na siphoning operations.

Sa impormasyon mula sa BRP Sindangan, nasa 500 metro hilagang-silangan ng ground zero ang nakitang oil sheen.


Samantala, umaabot na sa mahigit 104,000 litro ng langis ang nakolekta kahapon ng Harbor Star mula sa MT Terra Nova.

Sa kabuuan, nana 506,244 litro ang nakuhang langis sa lumubog na motor tanker mula pa noong August 19.

Facebook Comments