PCG, na-rescue ang 2 batang tinangay ng malakas na alon sa Samar

508

Isang concerned citizen ang nag-report sa insidente kaya agad na pinuntahan ng dalawang kawani ng Philippine Coast Guard (PCG) ang Barangay Rawis, Calbayog City, Samar.

Gamit ang life line rope, nailigtas ang dalawang bata.

Nabatid na naliligo ang mga biktima malapit sa Calbayog City Coastal Road Seawall, nang biglang nagkaroon ng malaking alon na tumangay sa kanila sa mas malalim na parte ng dagat.


Nang matiyak ang kaligtasan ng mga bata, hinatid sila sa barangay hall ng Barangay Aguit-itan para ma-i-turnover sa kanilang mga magulang.

Facebook Comments