Nabawi na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang full access sa kanilang official Facebook page.
Ayon kay PCG Spokesperson Rear Admiral Armand Balillo, nabawi ng kanilang Public Affairs Service ang kontrol sa nasa Facebook page matapos ma-hack nitong March 29, 2024.
Aniya, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center at Meta sa nangyaring security breach.
Dagdag pa ni Balilo, bineberipika na rin nila ang isang pinoy na hacker na sinasabing siya at mga kasama niya ang may gawa ng panghahack sa FB page ng PCG.
Matatandaan na ito na ang ikalawang beses ng ma-hack ang FB page ng Coast Guard.
Kaugnay nito, magsasagawa ng hardware check ang PCG kasama ang IT experts mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para mapalakas ang kanilang cybersecurity.
Iginiit ni Balilo na wala naman kinalaman sa isyu ng West Philippine Sea ang insidente habang burado naman na ang mga video clips na ipinost ng hacker sa page ng PCG.