PCG, nagbabala sa mga fixer na nagsasamantala sa mga motorista sa Batangas Port

Pinag-iingat ng Philippine Coast Guard (PCG) at ng PNP – Maritime Group ang mga pasahero sa Batangas Port Terminal na huwag basta-basta makipagtransaksyon sa mga nag-aalok na mapabilis ang pagproseso sa pagkarga ng kanilang sasakyan sa barko.

Sa harap ito ng pagsasamantala ng ilang fixer na lumalapit sa mga dumadagsang pasahero na may dalang sasakyan sa nasabing port.

Ayon sa PCG, may ilan nang extortionist sa Batangas Port ang nadakip matapos manghingi ng pera sa ilang motorista kapalit daw ng mabilis na pagsakay ng kanilang sasakyan sa barko.


Nakuha rin sa mga suspek ang ilang ebidensya tulad ng mobile phones, marked money, at boodle money

Sila ay nahaharap sa kasong Article 318 ng Revised Penal Code (RPC).

Pinapayuhan naman ng PCG ang publiko na agad na mag-report sa kanila sakaling may nakita silang kahina-hinalang kilos ng ilang indibidwal na umaaligid sa pantalan.

Facebook Comments