Muling nagbabala ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga pasaherong sasakay ng barko pauwing probinsiya na mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng mga paputok.
Ayon kay Coast Guard Spokesman Capt. Armand Balilo, maliban sa mga matatalas na bagay at flammable materials, mahigpit nilang ipinagbabawal ang pagdadala ng mga paputok dahil delikado.
Binalaan din ng PCG ang mga shipping companies na huwag makikipagsabwatan sa mga pasaherong magpapalusot ng paputok dahil malalabag nila ang Marina circular.
Sinomang mahuhuling shipping company na magpapalusot ng mga paputok ay maaring maharap sa kanselasyon ng kanilang prangkisa dahil sa paglalagay sa peligro ng buhay ng kanilang mga pasahero.
Paliwanag ng Coast Guard, maaring sumabog at magdulot ng sunog sa barko ang mga paputok.
Tiniyak ng Coast Guard na may mga sniffing dogs silang nakadeploy sa mga pantalan para ma-detect ang mga paputok sa bagahe at mga pulbura ng mga bala ng baril.
Binalaan din ni Coast Guard Admiral Joel Garcia ang lahat ng tauhan nito na masasangkot sa indiscriminate firing ngayong pagsalubong sa bagong taon na maaari silang masibak sa serbisyo