Bukod sa Bicol Region, Cagayan, at Isabela, naghahatid na rin ng relief supplies ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga binaha sa Bulacan bunga ng Bagyong Ulysses.
Partikular na naghatid ang dalawang Coast Guard truck ng sako-sako ng bigas, 300 food packs, kahon-kahong purified drinking water, at ready-to-drink juice sa Hagonoy, Bulacan.
Mahigpit naman ang pagpapatupad ng PCG personnel ng minimum health standards bilang pag-iingat sa patuloy na banta ng COVID-19.
Muli ring nagpaalala ang Coast Guard sa donors na iwasan ang pagbibigay ng mga damit, at sa halip ay mga pagkain na lamang at inuming tubig.
Facebook Comments