PCG, naglabas ng panibagong bilang ng mga OFW na nag-negative sa COVID-19

Naglabas ang Philippine Coast Guard (PCG) ngayong araw ng panibagong bilang ng mga repatriated Overseas Filipino Worker (OFW) at returning Filipinos na nagnegatibo sa COVID-19.

Sa inilabas na bilang ng PCG, nasa kabuuang 1,611 bilang ng mga Pinoy ang negatibo sa kanilang Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) tests na naitala mula alas-12:06 ng umaga hanggang alas-08:14 ng gabi nitong Biyernes (June 12).

Ang mga nasabing bilang ay kinakailangang makipag-coordinate sa PCG at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para maproseso ang pagbabalik nila sa kanilang mga lugar.


Kaugnay nito, maglalabas ng quarantine clearances ang PCG sa lahat ng returning OFWS sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) o sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2.

Facebook Comments