PCG nagluksa sa pagkasawi ng isa nilang tauhan

Nagluluksa ang pamumunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pagkamatay ng ilang tauhan sa naganap na malagim na pagsabog sa Julu , Sulu kahapon.

Ayon kay PCG Spokesman Captain Armand Balilo, ibibiyahe ngayong umaga ang labi ni Seaman 2nd Class Jaypee Galicha mula sa Julu , Sulu patungo ng Zamboanga ngayong umaga habang bukas ay posible ilipad na ang labi ni Galicha mula Zamboanga patungo ng Maynila.

Ulila na sa magulang si Galicha at silang dalawang magkapatid ay kapwa operatiba ng PCG – K9 unit tubong Romblon.


Sa PCG Parola nakatakdang iburol ang mga labi ni Galicha, na napuruhan dahil sa naganap na magkasunod na pagsabog sa Mt. Carmel Cathedral sa Julu ,Sulu.

Kritikal din ang kalagayan ni PO3 Jomar Sason, habang stable na ang kalagayan ni PO3 Paulo Isolana.

Facebook Comments