Nagpaalala ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagpa-planong umuwi ng Pilipinas hinggil sa swabbing stations na maaari nilang pagpilian sa One-Stop Shops ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Partikular na pagpipilian ang private laboratories, Philippine Red Cross at government laboratories, at ang presyo ay depende sa bilis ng paglabas ng resulta
Halimbawa sa private laboratories, kapag ang resulta ay sa loob ng dalawang araw:
– Result in 2 days = ₱ 4,000
– Result in 1 day = ₱ 7,000
– Result in 12 hours = ₱ 10,000
Sa Philippine Red Cross naman kung saan ang resulta ay lalabas sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw:
– Result in 2 to 3 days
– For OFWs = ₱3,500
– For non-OFWs = ₱4,000
Sa government laboratories naman ay walang bayad pero lalabas ang resulta na pinakamabilis ang limang araw.
Noong nakaraang linggo, nagdagdag ang PCG ng frontline personnel sa NAIA habang patuloy na nireresolba ang isyu sa pagitan ng PhilHealth at ng Philippine Red Cross na nagdulot ng ‘delay’ sa encoding ng mga swab sample ng returning OFWs.