PCG, nagpadala ng karagdagang food packs sa apektadong pamilya sa Catanduanes na sinalanta ng bagyo

Umalis na ang dalawang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) para maghatid ng mga relief good sa mga naapektuhan ng bagyo.

Nasa 15,000 food packs ang ihahatid ng PCG sa mga pamilya sa Catanduanes.

Sakay ang mga ito ng BRP Teresa Magbanua at BRP Suluan na umalis ngayong umaga sa Pier 13, Port Area, Manila.


Ang mga nasabing food packs ay inihanda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ito na ang ikalawang beses na naghatid ng ayuda ang pamahalaan kung saan unang nagtungo ang Philippine Air Force (PAF) sa Catanduanes para ihatid ang nasa 1,300 family food packs sakay ng C-130 aircraft nito.

Ang Catanduanes ang pinakatinamaan ng bagyong Pepito kung saan isinailalim ang lalawigan sa Signal No. 5.

 

 

Facebook Comments