Nagpadala na rin ang Philippine Coast Guard (PCG) ng helicopter sa Cagayan para magsagawa ng aerial assessment at rescue operations sa Tuguegarao bukas.
Ito ay bukod pa sa mga tauhan na unang tumulak kahapon sa PCG para magsagawa ng search and rescue operations sa Cagayan at Isabela simula kahapon ng madaling araw.
Bukod sa mga apektadong residente, sinasalba rin ng mga tauhan ng PCG ang mga alagang hayop na na-trap sa mga tahanan.
Una na ring ipinag-utos ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, Admiral George V. Ursabia Jr. ang agarang pagpapadala ng isa pang M35 truck, isang PCG hilux pick-up, at tatlong rubberboats sa lugar.
Gumamit din ang PCG sa kanilang aerial rescue / extraction sa mga residente ng Isabela at Cagayan ng dalawang PCG airbus light twin engine helicopters.