PCG, nagpadala ng panibagong mga supply para sa mga sundalong nagbabantay sa mga teritoryo ng Pilipinas

Photo Courtesy: Philippine Coast Guard Facebook Page

Dalawang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) ang naghatid ng karagdagang mga supply para sa mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagbabantay sa Ayungin Shoal.

Partikular sa mga sundalong naka-deploy sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal

Kabilang sa supplies na inihatid ng BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) at BRP Malapascua (MRRV-4403) ay mga pagkain, gamot, damit, maintenance at repair equipment, at iba pang pangangailangan ng mga sundalo.


 

Nagsagawa rin ng maritime patrol at reprovisioning mission ang BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) sa Patag Island, Likaw Island, Lawak Island, at Pag-asa Island na binabantayan naman ng PCG sa Kalayaan, Palawan.

Facebook Comments