PCG, nagpasalamat sa kumpanyang 2GO sa malaking tulong sa gobyerno sa laban nito kontra COVID-19

Patuloy na nakakatanggap ng tulong mula sa gobyerno ang mga Overseas Filipino Workers o OFWs na naka-quarantine ngayon sa dalawang barko ng 2GO.

Ayon kay Philippine Coast Guard o PCG Commandant Admiral Joel Garcia, mayroong 546 bed capacity ang dalawang barko na MV Pope John Paul II at MV Saint Anthony de Padua.

Sinabi ni Garcia na malaking tulong ang dalawang barko para maibsan ang kakulangan sa pasilidad ng mga papauwing OFWs na sasailalim sa quarantine bilang health protocols upang hindi mahawaan ng Coronavirus Disease o COVID-19.


Pinasalamatan din ng opisyal ang pamunuan ng 2GO sa pagtulong sa gobyerno sa laban nito kontra COVID-19.

Pakiusap naman niya sa mga manning agency na sagutin sana nila ang pagkain ng kani-kanilang mga seafarers na naka-quarantine sa dalawang barko upang makabawas sa gastusin ng 2GO.

Facebook Comments