PCG, nagsagawa ng aerial surveillance sa Manila Bay para i-monitor ang mga pumapasok na barko

Nagsagawa ng aerial surveillance ang Philippine Coast Guard (PCG) sa palibot ng Manila Bay para i-monitor ang mga dumadating na cruise ships sa bansa.

Sa paglipad ng air assets ng PCG, ilang beses nitong inikutan ang Manila Bay kung saan nakita sa lugar ang pitong cruise ships na nakadaong sa area ng Manila Bay.

Katuwang ng tropa ng PCG sa monitoring sa mga cruise ships ang Bureau of Quarantine para matiyak na nasusunod ang quarantine protocol sa mga tripulante ng bawat cruise ships na dumadaong sa Maynila.


Ayon sa coast guard, mahigpit ang implementasyon ng health protocols sa disembarkation at pagbibiyahe sa mga marino o seafarers mula sa mga cruise ships na ito patungo sa mga itinalagang quarantine facilities gaya ng dalawang barko ng 2Go sa pier na ginagamit sa mandatory 14-day quarantine period.

Nilinaw ng PCG na ang papayagan lamang na bumaba mula sa mga dumarating na cruise ships ay mga Filipino seafarers bilang pagsunod sa Bayanihan to Heal as One Act.

Facebook Comments