PCG, nagsagawa ng ilang aktibidad para hilingin ang kapayapaan sa West Philippine Sea

Iba’t ibang aktibidad ang idinaos ngayon ng Philippine Coast Guard upang hilingin ang kapayapaan sa West Philippine Sea.

Naunang nagsagawa ng Mass for Peace ang PCG kaninang alas-diyes ng umaga sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage sa Antipolo Cathedral.

Ayon sa PCG, paalala rin ito na magdasal at paigtingin pa ang pananampalataya na walang imposible sa tulong ng panalangin para makamit ang kapayapaan sa pinag-aagawang teritoryo.


Susundan naman ito mamayang alas-12:00 ng tanghali ng motorcade patungong PCG Base Farola sa Lungsod ng Maynila.

Alas-2:30 naman ay magdaraos ang PCG ng prusisyon hanggang sa Coast Guard Ecumenical Chaplain Service Chapel.

Ang Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje ang patron ng Philippine Coast Guard.

Facebook Comments