PCG, naka-heightened alert na dahil sa bagyong Auring

Naka-hightened alert na ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyong Auring na isa nang severe tropical storm.

Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo, layunin nito na mapanatili ang “zero maritime incident” ngayong may sakuna at maisagawa ang mga proactive na pagtugon sa naturang kalamidad.

Aniya, inabisuhan na rin ng mga station commanders at safety inspectors ang mga mangingisda, ship crew, at iba pang maritime stakeholders sa mga maaapektuhang probinsya kaugnay sa ‘no sail policy” sa panahon ng mga kalamidad.


Kabilang sa mga naka-heightened alert ay Coast Guard Districts sa Davao Region, Northern Mindanao, Visayas, at Southern Luzon para masiguro ang paghahanda ng kanilang mga deployable response groups at quick response teams.

Naka-standby na rin ang lahat ng Coast Guard vessels, air assets at land mobility mula sa headquarters at major units ng PCG para sa posibleng augmentation deployment sakaling kakailanganin ang evacuation at rescue operations.

Facebook Comments