Naka-deploy na sa mga pantalan ang halos 2,000 tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) para mag-inspection sa mga sasakyan pandagat.
Ito’y bilang bahagi ng seguridad para sa kaligtasan ng mga pasahero nauuwi sa mga lalawigan ngayong Undas.
Bukod sa maritime security, tutulong din ang PCG personnel sa mahigpit na implementasyon ng health protocols para mapanatili ang kaligtasan ng publiko laban sa COVID-19.
Kahapon, itinaas na ng PCG sa heightened alert status ang kanilang mga tauhan para matiyak na agad maka-responde sa anumang tawag ng pagkakataon.
Facebook Comments