Itataas na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang alerto nito simula bukas, March 22, para sa obserbasyon ng Semana Santa.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni PCG Spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, na 60% ng kanilang mga tauhan ang idi-deploy para sa buong panahon ng Holy Week.
Bukod aniya sa mga sea marshals na pasasamahin sa mga bibiyaheng barko ay magtatalaga rin ang PCG ng seaborne patrol upang agad na makaalalay kung kinakailangan.
Magtatagal ang heightened alert ng PCG hanggang April 1.
Magbabantay rin sa mga pantalan at biyahe ng mga barko ang Philippine Ports Authority (PPA) at Philippine National Police (PNP).
Facebook Comments