PCG, naka- heightened alert status na sa Southern Tagalog

Bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Tropical Storm “Uwan,” isinailalim ng Coast Guard District Southern Tagalog (CGDSTL) sa heightened alert status ang lahat ng mga Coast Guard stations, sub-stations, at floating assets nito sa Southern Tagalog.

Pinaaalalahanan din ng PCG ang publiko na maging mapagmatyag, patuloy na sumubaybay sa mga abiso ng PAGASA at sumunod sa mga babala ng lokal na pamahalaan.

Tiniyak din ng Coast Guard District Southern Tagalog na nakaantabay sila at patuloy na magsasagawa ng mga hakbang upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat mamamayan sa gitna ng banta ng masamang panahon.

Facebook Comments