PCG, nakaalerto sa inaasahang dagsa ng mga uuwi na mga pasahero para sa BSKE at Undas

Direktiba ng liderato ng Philippine Coast Guard (PCG) sa kanilang mga tauhan na maging visible sa mga pantalan.

Ito ay sa harap na rin ng inaasahang dagsa ng magsisi-uwiang mga pasahero para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at maging sa Undas.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni PCG Spokesperson Rear Admiral Armand Balilo na nakaalerto ngayon ang lahat ng operating units ng PCG.


Sinabi pa ni Balilo, aabot sa 20 libong tauhan ang naka-deploy na maaari pang dagdagan ng 10 libong personnel kung kakailanganin para matiyak ang mapayapang BSKE.

Partikular na tutulungan ng kanilang mga tauhan ang inter-island provinces katulad ng paghahatid ng mga balota at para din sa seguridad ng mga guro at mga botante.

Kasama nila ang PCG ang buong Department of Transportation (DOTr) lalo na ang maritime sector, Maritime Industry Authority (MARINA) at Philippine Ports Authority (PPA) sa pagtutok sa mga biyahero.

Dagdag pa ni Balilo, mayroon silang safety inspectors sa mga barko upang matiyak na walang overloading at walang maisasakay na mga kargamento na magresulta sa sunog o pagsabog.

Facebook Comments