PCG, nakahanda na sa paggunita ng Semana Santa

Courtesy: Philippine Coast Guard

Tiniyak ng Philippine Coast Guard (PCG) na nakahanda na ang kanilang pwersa sa nalalapit na Semana Santa.

Sa Balitaan sa Tinapayan, sinabi ni PCG Spokesman Armand Ballilo na nasa 20,000 na tauhan nila ang ipapakalat ngayong summer season para magbantay.

Nais din ng pamunuan na matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero sa mga pantalan.


Siniguro rin ng opisyal na ligtas na paliguan ang mga beach resort sa mga Batangas Area na posibleng naapektuhan ng oil spill.

Sa huli, nagpaalala ang PCG sa mga babiyahe ngayong Semana Santa na mag-ingat at i-enjoy ang summer season.

Bukod dito, pinapayuhan din ang publiko na planuhin nang maigi ang biyahe at alamin ang mga patakaran sa mga pantalan kung saan sila babiyahe.

Facebook Comments