PCG, nakapagtala na ng halos 100,000 outbound at inbound passengers sa mga pantalan sa bansa

Nakapagtala na ang Philippine Coast Guard (PCG) ng 52,334 outbound passengers at 47,680 inbound passengers sa mga pantalan sa buong bansa.

Umaabot na rin sa 648 na mga barko at 449 motorbancas ang nainspeksyon ng PCG.

Ito ay mula sa 5 PCG Districts sa bansa na binubuo ng 2,644 frontline personnel ng Coast Guard.


Mananatiling naka-heightened alert ang buong pwersa ng PCG hanggang sa April 10,
2023.

Pagkatapos ng Mahal na Araw ay tututukan naman ng PCG ang seguridad ng mga turistang dumadagsa sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Facebook Comments