PCG, nakapagtala na ng higit 100-K pasahero sa mga pantalan ngayong araw

Sa kabila ng naunang pahayag ng Philippine Coast Guard (PCG) na ngayong weekend pa inaasahan ang bugso ng mga pasahero sa mga pantalan, pumalo na sa 114,640 ang naitalang bilang ng mga biyahero sa mga pantalan sa buong bansa ngayong araw.

Batay sa pinakahuling datos ng PCG, Sa pinakahuling datos ng PCG as of 12pm kanina, umabot na sa 61,010 ang outbound passengers at nasa 53,630 naman ang inbound passengers.

Para manatiling ligtas ang biyahe, nagtalaga ang PCG ng 3,404 na tauhan sa 15 distrito nito.


Ininspeksyon din ng PCG ang 406 na barko at 960 na motorbanca bago bumiyahe, kung saan mahigpit ding iniinspeksyon ang tamang bilang ng mga pasahero sa manifesto at kapasidad ng barko.

Samantala, kahit tapos na ang holiday, mananatili pa rin ang heightened alert ng coast guard hanggang November 6, 2023 para sa inaasahang pagdagsa ng pasahero para sa muling pagbabalik ng klase at mga trabaho.

Facebook Comments