Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na nakapagtala na sila ng 170 na stranded na mga pasahero sa Visayas at Mindanao.
Sa harap ito ng banta ng Bagyong Crising sa naturang mga lugar.
Ang mga stranded na pasahero ay mula sa Central Visayas, South Western Mindanao at Northern Mindanao.
112 naman ang rolling cargoes na stranded sa Central Visayas, South Western Mindanao, Northern Mindanao at North Eastern Mindanao Region.
Bukod pa ito sa walong vessels at isang motorbanca na naka-shelter o nakasilong sa North Eastern Mindanao.
Facebook Comments