Umaabot sa 10,198 ang bilang ng mga pasahero na dumagsa sa mga pantalan sa iba’t ibang panig ng bansa.
Sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa 5,533 outbound passengers ang naitala mula alas-12:00 ng hatinggabi hanggang alas-6:00 ng umaga.
Habang 4,665 na inbound passengers rin ang naitala.
Ito’y sa ilalim ng “Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2022” ng PCG.
Nasa 1,182 frontline personnel ang itinalaga sa 15 Distrito ng PCG kung saan 99 vessels at 28 motorbancas ang kanilang nainspeksyon.
Matatandaang Abril 8 nang isailalim ng PCG ang kanilang districts, stations, at sub-stations sa ‘heightened alert’ para mabantayan ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan ngayong Semana Santa na magtatagal naman ng hanggang April 18, 2022.
Hinihimok naman ng PCG ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang sa pamamagitan ng kanilag official Facebook page o kaya ay tumawag sa Coast Guard Public Affairs sa numerong 0927-560-7729 para ibang katanungan at impormasyon.