Naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) kahapon ang nasa 189,880 outbound passengers at 175,150 inbound passengers ang nagsiuwian sa kani-kanilang probinsya nitong bisperas ng Pasko.
Umabot naman sa 2,926 tauhan ng PCG ay na-deploy mula sa iba’t ibang PCG District kung saan nainspeksyunan ang nasa 1,742 vessels at 1,811 na mga motorbanca.
Mula rin sa datos na ito, nakita ang bahagyang pagbaba ng mga outbound passengers kung saan nakapagtala ito ng 37,115 o 16% ng mga ito.
Samantala, bahagya ring bumaba ang nga inbound passengers kung saan ang bilang nito ay nasa 37,585 o 18% ang binagsak.
Bumaba rin ang mga ininspeksyon na vessel 174 o 9% ang nabawas at 203 o nasa 10% din ang nabawas sa mga motorbanca.
Nananatili pa ring naka-heightened alert ang PCG hanggang January 3 sa susunod na taon upang masiguro at maging maayos ang pagdagsa ng mga tao sa pantalan upang makauwi sa kanilang mga mahal sa buhay.