
Umabot na sa mahigit 50,000 pasahero ang dumagsa sa mga pantalan sa buong bansa ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Sa huling update ng PCG, nasa 25,133 ang outbound passengers habang 27,099 naman ang inbound passengers.
Upang masiguro ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang mga probinsya ngayong holiday season, nag-deploy ang PCG ng 3,476 na frontline personnel mula sa kanilang 16 na PCG Districts.
Samantala, nasa 899 na vessels at 85 na motorbancas naman ang nainspeksyon ng ahensya.
Facebook Comments









