Nadagdagan pa ang bilang ng mga stranded sa Ilan pantalan sa Southern Luzon.
Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), may 40 stranded na pasahero sa Port of Romblon, Look, Real at Dinahican.
Nabatid na pinagbabawal kasi ang pagbiyahe ng maliliit na sasakyan pandagat dulot ng malalaking alon at malakas na hangin.
Sa abiso ng PCG, pinagsamang epekto ng Bagyong Goring at habagat ang sanhi ng mapanganib na sitwasyon sa dagat para sa maliliit na sasakyan
Sa ilalim naman ng Oplan Biyaheng Ayos: Balik Eskwela 2023, nakapagtala ang PCG ng 33,485 outbound passengers at 29,897 inbound passengers sa lahat ng pantalan sa buong banssa.
Nasa 2,775 personnel ang ipinakalat sa 15 PCG Districts kung saan 249 vessels at 279 motorbancas ang isinailalim nila sa inspeksyon.