Manila, Philippines – Nakataas na ang alerto ng Philippine Coast Guard (PCG) sa lahat ng pantalan o pier partikular sa Luzon kasunod ng bird flu outbreak sa San Luis, Pampanga at Nueva Ecija.
Ayon kay Coast Guard spokesman Cdr. Arman Balilo, bantay sarado na ng kanilang mga tauhan ang mga pantalan para walang makakalusot na mga manok at iba pang poultry products mula sa Luzon patungong Visayas at Mindanao.
Ito ay kasunod ng shipment ban na ipinatupad ng Department of Agriculture nitong August 11 para maiwasan ang pagkalat ng bird flu.
Ayon kay Balillo, sa oras na makakita sila ng mga tangkang ipupuslit na manok ay agad na kukumpiskahin ang mga ito at iba pang poultry products.
Facebook Comments