Patuloy ang ginagawang pakikiisa ng Philippine Coast Guard (PCG) at PCG Auxiliary (PCGA) Executive Squadron sa “Brigada Eskwela 2022”
Sa kanilang pinakahuling aktibidad ay tumulong sila sa Baclaran Elementary School sa Parañaque City kung saan ang mga PCG personnel at PCGA members ay nagpintura ng mga silid-aralan at naglinis ng naturang eskwelahan bilang paghahanda sa nalalapit na pagsisimula ng klase.
Dagdag pa rito, naghandog din ang PCG at PCGA ng school supplies para sa mga estudyante ng Baclaran Elementary School.
Nakatanggap ang mga bata ng bag, lapis, notebook, papel, pambura, pantasa, pangkulay, plastic envelope, COVID-19 kit, at hygiene kit.
Mayroon ding walis tambo, dustpan, food container, payong, at printing materials para naman makatulong sa pangangailangan ng mga guro.
Lubos ang pasasalamat ng Baclaran Elementary School sa naturang aktibidad ng Coast Guard kung saan makakatipid ang mga magulang ng kanilang estudysnte sa gastos ngayong nalalapit na ang face-to-face classes.