Wednesday, March 18, 2026

PCG, namahagi ng ayuda sa mga mangingisda sa Zambales

Aabot sa 20 manginsgisda ang nabigyan ng tulong ng Philippine Coast Guard (PCG) sa karagatang sakop ng Capon Grande, Zambales.

Isinagawa ang pamamahagi ng family food packs sa pamamagitan ng BRP Cabra habang nagsasagawa ng regular maritime patrol sa lugar.

Layunin ng hakbang ng PCG na maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis sa kabuhayan ng maliliit na mangingisda.

Bahagi ito ng direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga mangingisda at iba pang maritime stakeholders sa bansa.

Isinagawa rin ang aktibidad sa ilalim ng Intensified Community Assistance Awareness Rescue and Enforcement Program ng PCG na naglalayong palakasin ang ugnayan sa pagitan ng mga awtoridad at komunidad sa baybayin.

Facebook Comments