PCG, namahagi ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa La Union

Namahagi ng tulong ang Phililippine Coast Guard (PCG) sa mga nasalanta ng Bagyong Goring sa La Union.

Ayon sa Coast Guard District North Western Luzon, nagpapatuloy ang kanilang disaster response operations katuwang ang Office of Civil Defense (OCD) Region I sa City of San Fernando, La Union na nagsimula kahapon, August 31.

Ang bawat kahon ay naglalaman ng family packs, hygiene supplies, at shelter repair kits para sa mga pamilyang apektado ng kalamidad sa probinsya.


Samantala, sa pinakahuling ulit naman ng PCG, bumaba na sa 54 na indibidwal ang stranded ngayong araw sa mga pantalan sa Southern Tagalog Region dahil sa Bagyong Goring at Hanna.

Facebook Comments