PCG, nananatiling tahimik sa isyu ng umano’y bagong insidente sa pagitan ng China at Pilipinas sa West Philippine Sea

Tikom pa ang bibig ng Philippine Coast Guard (PCG) sa iniuulat ng Chinese media na bagong insidente sa South China Sea.

Kaugnay ito sa umano’y banggaan sa pagitan ng barko ng Pilipinas at China gayundin ang ‘di umano’y pagpigil ng China Coast Guard (CCG) sa isang barkong Pilipino.

Kaugnay nito, hindi muna nagbibigay ng pahayag si PCG Spokesman for the WPS Commodore Jay Tarriela sa naturang isyu.


Tanging ‘no comment’ ang sagot ni Tarriela sa mga tanong ng mga mamamahayag.

May mga nagtanong din kung may gag order o kung pinagbawalan siyang sumagot subalit ‘no comment’ pa rin ang tugon ni Tarriela.

Facebook Comments