PCG, nangangamba na kasama sa lumubog na FV Liberty 5 ang mga nawawalang mangingisda sa Occidental Mindoro

54

Nangangamba ang Philippine Coast Guard (PCG) na posibleng napasama sa lumubog na MV Liberty 5 fishing boat ang 14 na mangingisdang pinoy sa Occidental Mindoro.

Ito ay matapos bumangga ang nasabing barko sa Hongkong-registered bulk carrier vessel na MV Vienna Wood nitong Linggo.


Ayon kay PCG Spokesman Armand Balilo, mahihirapan ang kanilang grupo na sumisid dahil sa sobrang lalim ng pinaglubugan ng fishing vessel.

Kasabay nito, iginiit ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. na pinopolitika ang isyu sa nangyaring insidente.

Ayon kay Locsin, pilit kasing pinapasok sa nasabing insidente ang isyu ng China at Pilipinas sa West Philippine Sea.

Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng Maritime Industry Authority (MARINA) at Philippine Coast Guard ang insidente.

Facebook Comments