PCG, nanindigang hindi magpapasakop sa anumang foreign power

Nanindigan si Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson for West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na dapat panatilihin ng Pilipinas ang independensya nito at huwag magpasakop sa anumang dayuhang kapangyarihan.

Ito ang pahayag ni Tarriela kasunod ng pagbitay sa dalawang Pilipino na nahatulan ng drug trafficking sa China.

Ayon kay Tarriela, ang hostage diplomacy ay hindi tugma sa isang moderno at sibilisadong lipunan.


Aniya, ang mga indibidwal na nagtatangkang ikonekta ang prinsipyong paninindigan ng Pilipinas hinggil sa isyu ng West Philippine Sea sa kalunos-lunos na pagpatay sa mga Pilipino ay lumilikha lamang ng dibisyon.

Dagdag pa ni Tarriela, dapat lalo pang isulong ng bansa ang pambansang interes nito, at ang paglaban para sa mga karapatan sa soberanya sa pinagtatalunang karagatan.

Facebook Comments