PCG, narekober ang bangkay ng binatang nalunod sa ilog sa Cavite

Manila, Philippines – Nakuha na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang bangkay ni Alexander Orbano, 17 anyos, na nalunod sa ilog ng Barangay Aguado, Southville Phase 5, Trece Martires, Cavite City noong Linggo, October 22.

Base sa report na natanggap ng Coast Guard Station (CGS) Cavite mula kay Marlon Mercado ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na mayroon umanong binata na nalunod noong linggo ng 4:30 ng hapon sa naturang lugar.

Agad na nakipag-ugnayan ang mga personnel ng CGS Cavite sa Coast Guard Sub-station Rosario at Coast Guard Special Operations Force para magsagawa ng search and rescue operations.


Matagumpay na nakuha ng SAR ang wala nang buhay na katawan ni Orbano na positibong kinilala ni Christopher Banjano.

Kinumpirma naman Enrique Orbano, ama ng biktima, na tumalon umano ang kanyang anak sa ilog na may taas na 30 talampakan.

Facebook Comments