
Narekober na ng Phillipine Coast Guard (PCG) ang bangkay ng isang oiler ng M/TUG Sadong 33 na unang paulat na nawala matapos ang insidente ng bangaan sa karagatang sakop ng Maasim, Sarangani.
Unang natagpuan ang bangkay ng kapitan ng tugboat kung saan nasa maayos ng kondisyon ang anim na tripulante.
Iniutos naman ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang masusing imbestigasyon sa insidente.
Ito’y para malaman ang pananagutan at pagsasampa ng kaso laban sa Panamanian flagged vessel na MV Universe Kiza na siyang nakabanggaan ng tugboat.
Bagama’t negatibo sa pagtagas ng langis, naglatag pa rin ng oil spill booms ang PCG bilang pag-iingat.
Facebook Comments