PCG, natagpuan na ang lalaking nawala matapos tumatawid sa ilog sa Balayan, Batangas

Wala nang buhay nang marekober ang isang lalaki na napaulat nawala sa gitna ng mga pag-ulan noong Lunes sa Batangas.

Nakuha ang katawan ng biktima sa Sitio Bakawan, Brgy. Mataas na Bayan, Lemery, Batangas.

Noong Lunes, iniulat sa Coast Guard Station sa Balayan na nawala ang lalaki na tinangay habang tumatawid sa ilog.


Agad nagsagawa ng operasyon ang Philippine Coast Guard o PCG at natagpuan ang katawan nito sa baybaying dagat.

Mismong mga kaanak ng biktima ang nagkumpirma sa pagkakakilanlan nito kung saan hindi na ito pinangalanan pa.

Facebook Comments