
Umabot sa mahigit dalawandaang kilos ng shabu ang kabuuang nasabat ng mga awtoridad sa may baybayin ng Mariveles, Bataan.
Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P890 million ang shabu sa Barangay Sisiman.
Una itong nadiskubre ng mga lokal na mangingisda sa bahagi ng Zambales noong May 29 at agad na itinawag sa mga awtoridad para kumpirmahin.
Ayon sa Coast Guard Station Bataan, inilagay ang mga shabu sa sampung sako na natuklasang may lamang mahigit isandaang vacuum-sealed na pakete na idineklarang Freeso Dried Durien at Daguanyin.
Ayon sa PCG, matapos ang isinagawang pagsusuri ng Dangerous Drugs Board, ililipat na sa PDEA National Headquarters sa Quezon City ang mga nakumpiskang shabu.
Facebook Comments









