Nilinaw ng Philippine Coast Guard (PCG) na wala pa silang impormasyon kung kailan magbabalik ang libreng swab test ng Philippine Red Cross (PRC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ay sa kabila ng mga ulat na nagbalik na ang serbisyo ng PRC sa pagsasagawa ng swab test at pagtanggap ng specimen ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) matapos magbayad ng partial payment ang PhilHealth.
Ayon kay kay Undersecretary Raul Del Rosario ng One-Stop Shop, sinabi nito na bilang head ng Task Group on Management of Returning Overseas Filipinos (TGMROF) na patuloy ang gobyerno sa pagbibigay ng mahusay na serbisyo para sa mga OFW.
Sa katunayan, sa 12 government laboratories pa rin dinadala ng PCG ang mga swab samples na nakokolekta para sa COVID-19 RT-PCR test.
Kabilang dito ang Ospital ng Imus, Jose B. Lingad (JBL) Memorial Regional Hospital, Tala Hospital (Dr. Jose N Rodriquez Memorial Hospital), Lung Center of the Philippines, Research Institute of Tropical Medicine (RITM), San Lazaro Hospital, Philippine Genome Center, UP-National Institute of Health, PNP Crime Lab, Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center at Sta. Ana Hospital.