Ayon sa Coast Guard District North Eastern Luzon <www.facebook.com/CGDNELZN?__cft__%5b0%5d=AZUBiL7-3hOc3M7zlkRQ3g8gTVti5SGuYijVxg46JOL5lieoz-jsunRkNQCa9rGZg7lLQzhPR2SsUS43VSWC2qduJKpSVxflv90BZ4J-6v51HThMtFhTsGgVihQen0rnU7aDDjrAu2eX3bncXkYgPWbI8aMh…>, humigit-kumulang dalawampung (20) yarda mula sa baybayin ng karagatan layo bago nasagip ang bata.
Kaagad namang pinakilos ang Deployable Response Team para tulungan ang biktima na maswerte namang nailigtas.
Ayon sa biktima, habang pinapanood nito ang alon mula sa baybayin ay aksidente itong tinangay hanggang sa malalim na bahagi ng dagat.
Agad na nirespondehan ng team ang insidente sa pamamagitan ng paghila sa biktima sa baybayin gamit ang life ring na nakakabit sa isang lubid.
Bukod dito, dinala ng grupo ang biktima sa CGS Batanes at iniulat na nasa maayos na kondisyon at kinuha ng kanyang mga magulang matapos matiyak na ligtas ito.