PCG officer na nagligtas ng 62 buhay sa dagat, tumanggap ng international award

Isang Filipino coast guard officer ang tumanggap ng international award matapos na magligtas ng mahigit 60 buhay sa gitna ng karagatan.

Nito lang Abril nang igawad kay PCG officer Ensign Ralph O. Barajan ang pinakamataas na parangal mula sa International Maritime Organization (IMO), ang IMO Award for Exceptional Bravery at Sea.

Ito ay bilang pagkilala sa katapangan, leadership at determinasyon niya sa pagliligtas sa 62 pasahero ng lumubog na M/V Siargao Princess sa Sibunga, Cebu noong November 2019.


Para kay Barajan, ang natanggap niyang parangal ay magpapaalala sa kanya na laging gawin nang buong husay ang kanyang trabaho.

Samantala, mula nang pumutok ang pandemya, si Barajan ay naging bahagi ng task group quarantine facility na nag-aalaga sa mga returning OFWs at ngayon ay nailipat sa task group RT-PCR na nagsasagawa ng COVID testing.

Facebook Comments